Search

Iligal na droga sa Pilipinas: Kasalukuyang Sitwasyon

Iligal na droga sa Pilipinas: Kasalukuyang Sitwasyon

Ayon sa United Nations Office on Drugs and Crime, ang paggamit ng illegal na droga sa Pilipinas ay mas mababa sa pangbuong daigdig na average. Dalawa sa mga paboritong droga dito sa Pilipinas ay ang shabu o methamphetamine hydrochloride o shabu at ang marijuana o cannabis sativa. Ang Ephedrine at methylenedioxy methamphetamine ay kasama rin sa listahan ng mamahaling iligal na droga na pinagtutuunan ngayon ng pansin ng mga otoridad.

Ayon sa kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang Pilipinas ay pwedeng maging isang narco-state kung ang kasalukuyang trend ng adiksyon sa droga dito sa Pilipinas ay hindi masawata sa lalong madaling panahon. Noong taong 2012, sinabi ng United Nations na ang Pilipinas ay ang bansang may pinakamataas na pagkonsumo ng shabu sa buong South East Asia. Ayon naman sa U.S State Department, 2.1 poryento ng mga Pilipinong may edad na 16 hanggang 64 ay gumagamit ng iligal na droga na shabu. Sa Metro Manila, karamihan sa mga barangay ay apektado ng iligal na droga. Ito ay kasuwato ng 2011 UN Drug report na ang Pilipinas ang may pinaka-mataas na kaso ng paggamit ng illegal na droga sa buong South East Asia.

Marijuana bilang iligal na droga

Ang Pilipphine Drug Enforcement Agency o PDEA ay nagsasabi na ang bulubunduking mga bahagi ng Northern Luzon, Eastern Visayas at Mindanao ay magandang taniman ng marijuana. Kaya naman ang mga otoridad ay nakatutok sa mga lugar na ito na pwedeng iligal na pagtaniman ng marijuana. Ayon sa PDEA, ang mga marijuana na Pinatubo dito sa Pilipinas ay ginagamit din sa lokal na merkado. Ito ay ini-export din ng mga sindikato palabas ng bansa. Sinasabing ang lokal na pamamahagi ng marijuana ay mas umigting pa mula taong 2012, sa kabila ng masigasig na pag raid at pagsira sa iligal na mga plantasyon ng marijuana.

Shabu, iligal na droga sa Pilipinas

Ang mga sindikato ng droga ay gumagawa na ng shabu sa maliliit na mga kitchen type laboratories para hindi mahuli ng pulis magmula pa noong 2010. Kadalasan, ang mga sindikato ng droga ay nagrerenta ng mga bodega para gamitin bilang laboratoryo ng iligal na droga. Dahil sa mas pinahigpit na kampanya kontra droga, ang mga sindikato ay umuupa na ngayon ng mga bahay sa mga subdivision, condominium at mga apartment na ginagamit bilang kanilang pugad sa paggawa ng iligal na droga. Ang pribadong mga pag-aari ay siya na ngayong paborableng taguan ng mga sindikato na gumagawa at nagbebenta ng iligal na droga.

Sa ngayon, mas mabenta na ang shabu kumpara sa cocaine, isang mamahaling uri ng iligal na droga sa Pilipinas.

Ang iligal na droga sa PIlipinas palabas ng bansa

Dahil sa ang Pilipinas ay nasa strategic na geographical na lokasyon, ang internasyonal na mga sindikato ng droga ay ginagawang daanan ng iligal na kalakalan ng droga ang ating bansa. Ang ilan sa mga lokal na sindikato ay kasali rin sa internasyonal na mga pamilihan ng iligal na droga. Ang ilan sa mga overseas Filipino workers ay nagagamit din bilang mga drug mules o tagadala ng kakaunting dami ng iligal na droga sa ibang bansa, bagaman alam nila ito o hindi. Karamihan sa mga Pinoy na ginamit bilang drug mule ay babae, na kadalasang ipinadadala sa bansang China ay nahuhuli ng mga otoridad doon. Sila ay nasisintensyahan ng hatol na kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection. Ang Ninoy Aquino International Airport ay sinasabing isang paborableng lugar ng pagpupuslit ng iligal na droga.

Bakit kaya naaakit ang mga Pilipino na madawit sa kalakalan ng iligal na droga kahit na mataas ang posibilidad na sila ay managot sa batas? Ito ay dahil sa malaking kita sa pagbebenta ng iligal na droga sa Pilipinas.

Ang China at ang iligal na droga sa PIlipinas

Sinasabing hindi bababa sa siyam na cartel ng droga na galing sa China ay dawit sa halos lahat ng iligal na transaction ng droga sa Pilipinas. Sinasabi ng mga imbistigador na ang kalakalan ng shabu sa Pilipinas ay kontrolado ng iligal na mga cartel na galing China.

Noong nakalipas na taon, pinangalanan ng Prisidente Duterte ang mga Chinese na dawit sa pangmalakihang transaksyon ng droga sa Pilipinas. Ito na ang naging hudyat ng madugong gyera ng gobyerno kontra droga.

Iligal na droga sa Pilipinas, Party drugs

Ang ecstacy, isa sa mga tinatawag na party drugs ay ikatlo sa pinaka naaabusong droga sa Pilipinas, sunod sa marijuana at shabu.

Nadiskubre ng PDEA ang produksyon ng tinatawag na fly high, isang uri ng ectasy matapos ang isang raid sa isang condominium sa Makati. Ang epekto ng fly high ay pagkaantok, kawalan ng gana sa pagkain at matinding libog.

Ang kabataan at ang iligal na droga sa Pilipinas

Ang inhalants ay ang iligal na droga na popular sa mga kabataan, lalo na sa mga palaboy sa kalsada. Karamihan sa mga palaboy o street children ay gumagamit ng inhalant tulad ng rugby para matakasan ang pagkakaramdam ng matinding kalam ng sikmura dahil sa gutom. Ang mga batang nahuhuli na nagsisinghot ng rugby o nagtitinda ng droga ay ilinalagay sa pangangalaga ng DSWD, isang sangay ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng mga bata.

Kampanya laban sa iligal na droga sa Pilipinas

Ang bagong administrasyon ay masigasig sa paglaban sa iligal na droga sa Pilipinas. Sa kanyang talumpati kamakailan, isiniwalat ni Pngulong Duterte ang pangalan ng 150 mga kawani ng pamahalaan na dawit sa iligal na droga. May mga alegasyon din ng anumaliya sa iligal na droga sa New Bilibid Prison.

Sa ngayon, ilang libo na ang mga namamatay sa mga police operation at mga drug related na mga pangyayari magmula nang maupo sa pwesto ang bagong president.

Syempre, may mga pagtutol na nagsilabasan tulad ng mga mambabatas na humihiling na paimbistigahan ang mga patayang nagaganap sa operasyon ng pulis kontra iligal na droga sa Pilipinas. Natatakot ang ilan na kung hindi matitigil ang ganitong mga patayan, ito ay lalo pang lalala pagdating ng panahon.

May mga sang-ayon din sa gyera kontra droga. Isa na riyan ang New People’s Army na kumbinsido sa aksyon ng pamahalaan na labanan ang droga. Ang mga opisyal ng gobyerno, mga pulis at mga sundalo ay buong pusong sumusuporta sa gyera kontra iligal na droga sa Pilipinas.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Iligal na droga sa Pilipinas: Kasalukuyang Sitwasyon
1 (20%) 1 vote