Search

Ano ang Kahulugan ng Droga?

Ano ang Kahulugan ng Droga?

Ano ang kahulugan ng droga? Ang droga ay isang substance na kung makakapasok sa katawan ay may kakayahang baguhin ang iyong pisikal at mental na mga kakayahan. Ang droga ay pwedeng maging legal, halimbawa dito ay ang alak, caffeine at tabacco. Pwede namang maging iligal ang droga tulad ng marijuana, ecstacy, cocaine o heroin.

Ang mga drogang psychoactive ay nakaaapekto sa central nervous system at binabago ang pakiramdam ng isang tao, pati na ang kanyang paraan ng pag-iisip at pagkilos. Ang drogang psychoactive ay nahahati sa apat na kategoriya: ang mga drogang stimulant, depressant, hallucinogen at others.

Kahulugan ng droga sa pamumuhay: ang masamang mga epekto nito

Maliban sa kung ano ang droga, dapat mo ring malaman kung ano ang epekto nito saiyo kung gagamit ka nito. Ang totoo, ang epekto ng droga ay iba-iba depende sa mga katangian at ugali ng tao. Ang laki ng pangangatawan, kasarian, pakiramdam, mga kinakain, edad at kalusugan ay ilan lamang sa mga salik ng epekto ng droga sa isang tao. Kasama rin dito ang dami at uro ng drogang ginamit, paano ito ginamit at ang kapaligiran ng isang tao habang ito ay kanyang ginagamit.

Ang ilan sa mga gumagamit nito ay nagiging depress, agrisibo, inaantok, tinatamad, paranoid, hindi mapakali at madaldal. Ang paggamit ng droga ay maaaring mauwi sa emosyonal at sosyal na mga problema. Mas malala, may epekto ito sa relasyon mo sa mga mahal mo sa buhay tulad ng mga kaibigan at kapamilya.

Ang bad trip ay salitang kalye na kinuha sa epekto ng droga sa isang tao. Bad trip ang tawag kapag ang isang taong gumagamit ng droga ay nakararanas ng negatibong mga pakiramdam habang gumagamit nito. Kasama dito ang pagkakaramdam na para bang gusto nilang mag wala, pagiging balisa o pagiging paranoid. Ito ay maaaring mauwi sa panic attacks at nakapipinsalang pagkilos tulad ng pagtalon sa matataas na gusali o pagtakbo sa isang highway. Ang pakiramdam ng taong bad trip dahil sa droga? Ito ay parang walang katapusan.

Kahulugan ng droga sa batas

Dito sa Pilipinas, bawal ang pagtatago, paggawa, pagbenta o paggamit ng iligal na droga. Ang kaparusahan ay maaaring pagkakakulong ng habambuhay kasama na ang mabibigat na multa dahil sa paglabag sa mga batas ng Pilipinas laban sa ipinagbabawal na gamot. Kung sakaling makalaya ka man, ikaw ay may criminal na record na magiging dahilan ng kahirapan sa paghahanap ng marangal na trabaho.

Sa mahigpit na kampanya ng kasalukuyang pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot, dapat ay mag-isip isip na ang mga taong sangkot sa iligal na gawaing ito. Ang pamahalaan ay naglalaan ng tulong sa mga adik sa droga ngunit gusto nang magbagong buhay. Nag-ooffer ang gobyerno ng libreng rehabilitation programs basta handa ka nang talikuran ang masamang bisyo.

May mga taong ginawang diyos ang kahulugan ng droga sa kanilang mga buhay, kaya naman, ang ilan sa kanila ay mas gusto pang madamay sa mga patayang dahil sa droga imbes na magbagong buhay. Sa mga kabataan, kung ayaw ninyong masira ang buhay ninyo sa hinaharap, tandaan ang kahulugan ng droga: Ito ay ang gamot na nakakasira ng buong pagkatao at hinaharap!

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Kahulugan ng Droga?
3.7 (73.33%) 3 votes