Search

Ang Epekto ng Marihuwana sa Katawan at Buhay ng Tao

Ang Epekto ng Marihuwana sa Katawan at Buhay ng Tao

Ano ang marihuwana? Ang marihuwana o marijuana ay ang ginayat, pinatuyo at pinaghalong dahon at bulaklak ng halamang Cannabis sativa. Ginagamit ito sa buong mundo sa iba’t ibang paraan. Ang ilan ay gumagamit ng marihuwana bilang sigarilyo. Ang iba naman ay isinisiksik ito sa isang pipe at sinisindihan. May gumagamit din nitong panghalo sa tabako ng sigarilyo. May naglalaga din nito bilang tsaa. Tandaan na karamihan sa mga pamahalaan sa buong daigdig, bawal ang paggamit ng marihuwana bilang libangan. Pero may medikal na gamit din ang produkto ito. Sa ilang bansa at estado, legal na mabibili ang ilang produkto na gawa sa marihuwana kung ito ay gagamitin sa medikal na mga pangangailangan.

Ang marihuwana ay nagtataglay ng kemikal na kung tawagin ay delta-9-tetrahydrocannabinol o THC, isang aktibong sangkap na nakapagpapabago ng takbo ng isip ng isang tao. Pero ano ng aba ang epekto ng marihuwana? Alamin natin sa artikulong ito.

Ang epekto ng paggamit ng marihuwana

Nakasubok ka na bang manigarilyo o kumain ng cake ng gawa sa marihuwana? Kung oo, huwag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa! Maraming mga tao sa buong mundo ang nahuhumaling sa paggamit ng marihuwana at marami rin ang nagsasabi na nakagamit na sila nito sa buong buhay nila.

Bagaman sinasabi ng mga dalubhasa na ang paminsan-minsang paggamit nito ay hindi naman masama, ito ay maaaring makaapekto sa iyong katawan at isip kapag ito ay pumasok na sa iyong sistema.

Epekto sa pisikal

Tulad ng nasabi na natin, ang marihuwana ay nagtataglay ng THC na magpaparamdam saiyo na ikaw ay para bang lumilipad sa ere. Pero alam mo ba na ang paggamit nito ay maaari ring makaapekto sa iyong pangangatawan.

Marihuwana halamangKahit sa anumang paraan pumasok ang marihuwana sa katawan mo, ito ay nakakaapekto sa halos lahat ng mga organo ng iyong katawan, kasama na ang sistema ng nerbiyos at immunity. Kapag ikaw ay manigarilyo ng marihuwana, papasok agad sa katawan moa ng THC. Kung ikaw ay kakain ng cake na gawa sa marihuwana, maaaring mas matagal ang pag absorb ng THC dahil kailangan pang iproseso ng tiyan ang marihuwana baga ito sumama sa iyong dugo. Kapag ikaw ay nanigarilyo nito, maaaring maramdaman mo kaagad ang epekto nito sa katawan mo. Ang epekto ng marihuwana ay maaaring magtagal ng tatlo hanggang apat na oras.

Ang paninigarilyo ng marihuwana ay maaaring magpabilis ng pagtibok ng puso ng dobleng bilis kumpara sa normal sa loob ng tatlong oras kaya ang ilan ay inaatake sa puso kapag gumamit ng marihuwana. Ito ay maaaring magpalala ng pagdurugo, magpahina ng presyon ay makaapekto sa asukal sa dugo.

Hindi pa matiyak ng mga dalubhasa kung ang paggamit ng marihuwana ay nakapagpapalakas ng posibilidad na ikaw ay magka-kanser sa baga. Ngunit ang tiyak, ang paninigarilyo ng marihuwana ay maaaring makasira sa baga kaya ang mga taong regular na naggagamit nito ay may hindi mawala-walang ubo. Ang iba sa kanila ay may iba pang sakit sa baga tulad ng sipon at ubo kasama na ang impeksyon sa baga.

Ano pa ang ibang pisikal na epekto ng paggamit ng marihuwana? Kasama diyan ang mababaw at mahirap na paghinga, mapulang mga mata, tuyong bibig at biglaang paglakas ng gana sa pagkain. Mapapansin ang kahinaan o mabagal na pagtugon ng isang taong gumagamit ng marihuwana, kaya maraming mga adik sa produktong ito ang nakakaranas ng mga aksidente sa kalsada.

Kung ikaw ay matagal nang naggagamit nito, maaari kang makaranas ng withdrawal symptoms tulad ng masidhing pagnanasa na makatikim ng marihuwana, pagiging iritado, kawalan ng maaayos na tulog at kawalan ng gana sa pagkain, kapag sinubukan mong huminto.

Epekto sa isip at emosyon

Bakit ba gumagamit ng marihuwana ang mga tao? Ang paggamit kasi nito ay nagpaparamdam sa kanila na abot kamay na nila ang langit.

Pero alam mo ba na nag paggamit ng marihuwana ay may masamang epekto rin sa emosyon at pakiramdam?

Narito ang ilan sa masasamang epekto nito sa isip ng tao

  • Hindi mo na alam ang oras
  • Di ka makapag-iisip ng maayos
  • Matinding pagkabahala
  • Depresyon
  • Pagiging makakalimutin

Marihuwana droga

Panganib na dala ng marihuwana

Palagi nating naririnig na ang marihuwana ay nakaka-adik. Sinasabing isa sa bawat sampung tumikim nito ay magiging adik dito. May mga nagsasabi rin na ang paggamit ng marihuwana ay nag-udyok sa ilan na subukan ang mas matatapang na droga tulad ng cocaine o heroine.

Maaari ring magdulot ng maraming sakit ang marihuwana kung may dati ka nang nararamdaman sa atay, ikaw ay lowblood o may diabetes.

Kung ikaw ay lalaki na adik sa marihuwana, maaaring maaapektuhan nito ang dami ng testosterone mo sa katawan na maaari mong ikabaog. Baka mawalan ka rin ng kakayahang makipagsex.

May bagong mga pag-aaral na nagsasabing ang paggamit ng marihuwana ay maaaring may kinalaman sa pagkakaroon ng depresyon, pagpapatiwakal o pagkabaliw. Hindi malinaw kung ang marihuwana ang sanhi ng mga sakit na ito, ngunit alam ng mga dalubhasa na ito ay nakapagpapalala ng sakit sa isip.

Maraming tao ang nag sasabi na ang pinakanakakatakot na epekto ng marihuwana ay ang pagiging gateway drug nito, isang uri ng droga na siyang sinimulang gamitin ng isang adik hanggang matuto siyang gumamit ng mas matapang at mapanganib na bawal na mga gamot. Pero tandaan na ang marihuwana ay sadyang nakakaadik at nakapinpinsala tulad din ng iba pang bawal na gamot. Kung ikaw ay maaadik sa bawal na gamot na ito, mahihirapan kang alisin ito sa buhay mo. Ang mga adik sa produktong ito ay pinahihirapan ng withdrawal symptoms kung kaya kahit ayaw na nilang gumamit, napipilitan parin silang magpatuloy.

Kung ikaw ay nag-aaral pa, ang marihuwana ay makapagpapahina ng iyong kakayahan sap ag-aaral. Nakasisira din ito ng mga relasyon tulad ng sa pamilya at sa mga kaibigan. Kung sa tingin mo ay isa sa iyong mga kaibigan ay naaadik na sa paggamit ng marihuwana, huwag kang mag-atubiling maghanap ng paraan para tulungan siya.

May mga propesyonal na serbisyo namang makukuha ang mga taong llulong sa ipinagbabawal na gamot ngunit gustong magbagong buhay. Kung ikaw ay nasa Pilipinas, makipagtulungan ka sa pamahalaan na tulungan at baguhin ang iyong buhay. Tandaan na sa droga, ikaw ang talo!

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ang Epekto ng Marihuwana sa Katawan at Buhay ng Tao
1 (20%) 1 vote