Isang malaking problema sa mundo ngayon ang pornography at tila ba patuloy pa ang pamamayagpag nito sa internet. Alam nating lahat na may masamang epekto ito sa bawat Pilipino. Kaya naman paguusapan natin sa artikulong ito ang 8 masamang epekto ng pornography sa bawat indibidwal.

Mga dapat malaman tungkol sa pornograpiya

Pagkalulong sa droga, alak, sigarilyo, at sugal? Aba, marami ring mga pinoy ang naaadik sa porno o pornography. Dahil sa patuloy na pagsilabasan ng napakaraming porn sites sa buong mundo, maagang namulat ang mga Pilipino sa ganitong aktibidad. Ang Pilipinas ayon sa survey, ay isa sa mga bansang aktibo pagdating sa larangan ng internet. Kaya naman hindi nakapagtataka na apektado talaga ang mga pinoy ng pornography. Bago ang lahat, ano ang pornography?

Ang pornography ay isang uri ng aktibidad na kung saan naglalaman ito ng ibat ibang uri ng malalaswang materyales. Pangunahing intensyon ng pornography ay mang-akit ng mga tao upang maging taga-pagtangkilik nila ang mga ito. Sa madaling sabi, isang uri ng negosyo ang pornography, at maraming mga pinoy ang nahihilig dito. Karamihan ay mga lalake.

Maraming paraan para imarket ang pornography at nahahati ito sa maraming variety. Kabilang diyan ang media, pagamit ng libro, magasin, postcards, mga litrato, sculpture at mga iginuhit na imahe, animation, sound recording, video, pelikula, laro o video games, at napakarami pang iba. Lahat ng mga ito ay madaling ipakalat simula ng ang mundo ay tila ba sinakop na ng internet.

Isa pang nakakalungkot sa pornography ay ligal ang aktibidad na ito sa napakaraming bansa. Pero paano ba maiiwasan ng mga pinoy ang masamang bisyong ito? Kailangan mong malaman ang 8 na masamang epekto ng pornography sa bawat indibidwal.

 

Alamin ang 8 epekto ng pornography sa tao

Iniisip ng iba na ang panonood ng porn ay isang libangan lamang at walang masama rito? Maling mali ang kaisipang ito! Marami akong kilalang mga tao na talagang adik sa pornography, at parang wala lang ito para sa kanila. Nakaklungkot ngunit ito na ang reyalidad sa ngayon, mga pinoy na nabulag na ng pornography.

Kaya naman upang mamulat ang mga pinoy tungkol dito at mabuksan ang mga isip. Narito ang 8 masamang epekto ng pornography sa bawat indibidwal. Tandaan ang mga sumusunod na ito upang matigil ang masamang bisyo:

 

  • Itinuturo ng porn na ang babae ay isang sekswal na materyales. Kung tutuusin tama ito. Dahil nga karamihan sa taga-tangkilik ng pornography ay mga lalake, ang babae talaga ang pinaka-sentro ng aktibidad na ito. Ito ang pangunahing rason kung bakit patuloy at walang sawang binabalikan ng mga lalake ang pornography. Isa rin itong rason kung bakit patuloy na umaakyat ang kaso ng rape hindi lang dito sa Pilipinas, pati na rin sa ibang bansa.

 

  • Ang panonood ng porn ay nakakapag-pabago sa ugali ng isang tao. Maraming mga naaadik sa porn ang madalas na naiirita o nagagalit sa mga bagay na hindi naman dating nakakapag bigay ng problema sa kanila. Isa ka ba sa kanila? Isa ito sa 8 masamang epekto ng pornography sa bawat indibidwal. Nangyayari ang ganitong kondisyon kapag ang taong naaadik sa porn ay patuloy na nakikipag-punyagi na labanan ang masamang bisyo.

 

  • Ang panonood ng porn ay maaaring makapagbigay ng negatibong tingin sa sarili. Kagaya nga ng nabanggit sa itaas, kapag ang isang taong naaadik sa porn ay sinusubukang tanggalin ang masamang bisyo, nakapagpapabago ito ng pananaw ng isang tao. Habang ang isang indibidwal ay patuloy na nalululong sa ganitong aktibidad. Darating ang panahon na kamumuhian niya ang kanyang saril kapag patuloy pa ring magpakulong ang taong ito sa kanyang bisyo.

 

  • Sinisira ng porn ang abilidad ng isang tao na mamuhay ng peaceful o matahimik. Ang patuloy na panonood ng porn ay magtutulak saiyo na balik-balikan ang pornography. Ano ang resulta nito sa tingin mo? Mahihiwalay ang buhay mo sa realidad ng tunay na buhay. Iyan ang pakikipag-kapwa tao. Dahil sa pagkaadik sa pornography, maaaring mawala ang abilidad mong makipag-socialize sa ibang tao.

 

  • Ang pagkaadik sa porn ay maaaring magbigay ng problema sa sekswal mong pamumuhay. Totoo, at pangunahing maaapektuhan nito ay ang partner mo sa buhay o ang asawa mo. Alam mo bang maraming adik sa porn ang nahihirapan mag ejaculate? Ayon ito sa isang sex expert. Dagdag pa niya, kinakailangan pang gumamit ng mga pornong materyales ang isang porn user para makapag ejaculate siya habang nakikipagtalik. Isa ito sa 8 masamang epekto ng pornography sa bawat indibidwal.

 

  • Ang porn ay aktuwal na binabago ang utak ng isang tao. Literal ito kaibigan, para sa kaunting siyensya, ang brain o utak ay binubuo ng neurons o brain cells. At pinapagana ito ng ibat ibang uri ng stimuli, katulad ng amoy, tunog, at tingin. Kapag isa kang porn user, alam mo bang ang utak mo ay nagpapalabas ng isang kemikal na kung tawagin ay dopamine. Isa itong kemikal na magdidikta sa utak mo na patuloy na gawin ang masama mong bisyo.

 

  • Ang porn user ay nagiging mahina sa mga tukso o hurot ng laman. Dahil nga sa pagtaas ng lebel ng dopamine sa utak mo sanhi ng panonood ng porn. Ikaw ay maaaring magkaroon ng pagnanasa sa ibat ibang bagay o aktibidad na may kaugnayan sa sex. Sangayon rin sa mga research, ang mga taong porn user ay nagkakaroon ng mababang tingin sa mga babae. Ang mga taong ito ay karaniwang hindi apektado sa kahalagahan ng mga babae, at maging sa mga kaso ng rape ay walang pakialam.

 

  • Ang porn ay maaaring sumira sa malusog at maligayang pamumuhay sekswal. Ang patuloy na pagka-lulong sa porn ay maaaring sumira sa relasyon mo ng iyong asawa o partner sa buhay. Ayon sa mga eksperto, kadalasan na mawawalan ka na ng gana saiyong partner pagdating sa sekswal ninyong aktibidad. Dagdag pa ng mga eksperto, maaaring dumating ang panahon na mas pipiliin mo na ang mga pornong materyales kaysa sa tunay mong kapareha pagdating sa sex.

 

Ang lahat ng nabanggit ay ang 8 masamang epekto ng pornography sa bawat indibidwal. Hindi ba’t nakakatakot ang 8 na epektong ito? Huwag kang mag-alala, hindi pa huli ang lahat at maaari mo pang mabago at maiwasan ang masamang bisyong ito.

 

Mga tips upang maiwasan ang pornography, alamin!

Tunay nga na ang 8 masamang epekto ng pornography sa bawat indibidwal ay nangyayari sa panahon natin ngayon. Ang magandang balita ay maaari mo pa itong mabago at maka-rekober sa adiksyon na dulot ng porn. Naniniwala ako na sa oras na ang isang tao ay malaman ang masamang epekto nito, gagawa ito ng paraan para lamang manumbalik ang malusog na pamumuhay sekswal, at tamang kaugalian sa pakikipag-relasyon.

Kaya naman alam kong gusto mo ng malaman kung paano. Narito ang mga tips na dapat mong gawin upang maiwasan ang pornography:

  • Magkaroon ka ng mas maraming oras sa pamilya. Wala ng mas mahalaga pa sa positibong enerhiya na ibinibigay ng masayang pamilya. Kaya payo ko kaibigan, mag talaga ka ng oras para saiyong pamilya upang unti-unti mong malimutan ang pornography.
  • Dalasan mo ang pakikipag-salamuha sa publiko. Iwasan mo muna ang mapagisa habang kaharap ang internet. Magbibigay lamang ito saiyo ng tukso. Magtalaga ka ng oras sa mga kaibigan mo at iba pang mga tao. Sa pamamagitan nito, mababaling ang isip mo at sa pagtagal na pag ehersisyo ng ganitong Gawain ay unti-unti mong mababago ang iyong sarili.
  • Burahin mo ng tuluyan ang mga alaala ng porn sa iyong kompyuter at telepono. Katulad na lamang ng pagbura sa browsing history, makakapag bawas ito ng temptation na muling bisitahin ang mga porn sites na kinasanayan. Idagdag mo pa, bawasan ang oras na masyadong na pagbabad sa internet.
  • I-block ang lahat ng porn sites sa iyong kompyuter at gadget. Kasabay ng pagbura ng browsing history, mahalagang tuluyan ng i-block ang mga porn sites na dati mong nakahiligan. Mag search lamang sa internet kung paano ito gawin.
  • Libangin ang sarili gamit ang nakakalibang na bagay katulad ng sports. Ang pagkahilig sa sports katulad ng basketball ay makakapag bigay saiyo ng kakaibang kasiyahan na hindi mo makukuha sa panonood ng porn. Kaunting payo, mag hanap ng nauukol na sports sa iyo at gawin itong personal na libangan. Kung walang hilig sa sports, maaring maghanap ng ibang aktibidad na maaaring mapaglibangan.
  • Magsagawa ng self-rehabilation. Natanong mo na ba ang sarili mo tungkol sa bagay na ito? Tama ba itong ginagawa ko? Ang isang pansariling programang kagaya nito ay malaki ang maitutulong saiyo. Kung naiisip mo na walang masama sa panonood ng porn, subukan mong ikumpara ang sarili mo sa iba upang mabigyan ka ng linaw.
  • Manalangin at alalahanin mo ang Panginoon na siyang may lalang saiyo. Ito ang pinaka-mahalaga sa lahat. Ang panalangin ang pinaka-makapangyarihan na sandata sa anumang tukso ng sanlibutan. Hindi natin mapagtatagumpayan ang anumang minimithi kung wala ang tulong ng ating Panginoon. Tulungan mo ang iyong sarili at sabayan ng panalangin. Tinitiyak ko sa iyo na malalampasan mo ito kaibigan.

Sana ay makatulong ng husto ang artikulong ito saiyo, may mga kaibigan ka ba na dumadaan rin sa ganitong problema? Maaari mo itong ibahagi sa kanila, at sabay ninyong iwasan ang 8 masamang ekepkto ng pornography sa bawat indibidwal.