•  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Naghahanap ka ng solusyon para matigil ang masamang libangan? Marahil kaya narito ka! Ang pagpasok sa ganitong uri ng bisyo ay talagang napakadaling gawin para sa nakakaraming pinoy. Ngunit paano kapag ayaw mo na, at gusto mo ng itigil ngunit nahihirapan kang gawin? Paano ka maguumpisa? Paguusapan natin sa artikulong ito ang mga tips kung paano itigil ang panonood ng porn.

Bakit maraming pinoy ang nahihilig sa porn?

Ayon sa kasabihan sa lansangan, mas madaling mahanap ang porn kumpara sa paghanap ng magandang restawran para sa isang romantikong date. Totoo naman diba? Hindi ka rin tatanggihan ng porn kagaya ng pagtanggi sayo ng liniligawan mo. Sa madaling sabi, madali, mabilis, at walang maraming problema o gusot pagdating sa ganitong aktibidad. Lalo pa ngayon na ang internet sa Pilipinas ay parang kape na pagising mo palang sa umaga ay siya kaagad ang kaharap mo.

Kaya naman parang isa ng solusyon ang porn sa problema ng karamihan. Partikular na sa mga lalakeng problemado sa babae. Para sa iba ay isang paglilibang sa sarili ang panonood ng porn para lang makalimutan pansamantala ang problema. Paano itigil ang panonood ng porn? Alamin muna natin ang mga pangunahing rason ng pagkahilig ng maraming pinoy dito:

  • Curiosity o Pagkamausisa – Isang tatak ng mga pinoy ang pagiging mausisa sa lahat ng mga bagay. Kaya naman matalino at maraming alam ang pinoy. Gayunpaman, maraming dis-advantage ang pagiging mausisa lalo na sa mga bata. Pagdating sa mundo ng internet, maraming tukso sa ganitong bagay at karaniwang mga bata ang nabibiktima dahil sa pagiging curious nila sa mga bagay na bago sa kanila.
  • Sexual pleasure o Hurot ng laman – Isa ito sa mga pangunahing rason kung bakit maraming pinoy ang nahihilig sa porn. Bigyan kita ng halimbawa, ang sex ay isang basic na pangangailangan ng isang may asawa. At karaniwan sa ibang mga lalake, ginagawang libangan ang masamang bisyung ito. Kadalasang ginagamit ang porn upang punan ang pagkukulang ng kanilang mga sexual partners.
  • Loneliness o Kalungkutan – Isa bang rason ito sa mga Pinoy na likas na masayahin? Oo naman, lahat ng tao ay may problema. Bawat tao ay mayroon ring kanya kanyang paraan upang masolusyunan ito. Alam mo bang ayon sa isinagawang survey dito sa Pinas, isa sa nagtutulak sa mga pinoy na manood ng porn ay ang kalungkutan? Para lang makatakas sa lungkot na nadarama, porn ang binibisita para lang maibsan ng pansamantala ang lungkot na nadarama.
  • Pagkabagot o walang magawa – Isang nakakalungkot na rason ngunit totoo ito. Maraming pinoy ang nanonood ng porn dahil lang sa walang magawa! Boring sabi nga nila. Kaya naman naghahanap ng ibang mapaglilibangan sa internet at kadalasang porn sites ang natatagpuan. Kung saan welcome ang lahat mapa bata man o matanda.
  • Impluwensya ng barkada – Tama hindi ba? Kung maling mga kaibigan ang nakuha mo! Ayon sa pagaaral, maraming mga teenager ang nagsasabi na isa sa rason ng maagang pagkamulat sa porn ay ang impluwensya ng mga kaibigan. Dagdag pa ng mag teenager, isang katuwaan lamang ang ganitong seryosong problema para sa kanila. Nakakalungkot talaga.
  • Adiksyon – droga, alak at sigarilyo, sugal? Hindi lang ito ang nakakaadik ayon sa pagaaral. Lumalabas na maraming pinoy ang patuloy na tumatangkilik ng porn ay dahil sa adiksyon. Sa katunayan nga, may mga rehabilitation center na nag-oofer ng rehab para sa mga taong may ganitong problema. Isa ka ba sa kanila? Huwag kang mag-alala, maraming paraan kung paano itigil ang panonood ng porn.
  • Internet at porn sites – totoo naman, wala naman manonood kung walang panonoorin. Kaya lang ang problema, ang mundo ngayon ay nakadepende na sa internet. Lahat na lang ng kailangan mong malaman ay nakapaloob dito. At kabilang diyan ang porn na galing sa ibat ibang porn sites.

Paano itigil ang panonood ng porn? 9 na hakbang para matigil ito!

Dumadaan ka ba sa porn addiction? Marahil ang palagi mong tanong ay paano itigil ang panonood ng porn. Alam mo bang yan rin ang tanong ng karamihan? Kaya lang, dahil sa adiksyon ay nahihirapan kang tanggalin ito. Meron akong magandang balita sayo! Malalaman mo na ang 9 na hakbang kung paano itigil ang panonood ng porn. Tandaan ang mga sumusunod na ito:

I-block ang lahat ng access mo sa porn. Isa sa pinakauna mong dapat gawin ang tanggalin lahat na puwedeng makapagtukso saiyo. Maaaring mahirap rin itong gawin para saiyo, ngunit ito ang unang hakbang na dapat mong gawin. Narito ang ilan pa sa mga puwede mong gawin para makatulong na mapadali ang gusto mong mangyari:

  • Burahin mo lahat ng browsing history saiyong laptop at telepono. Pati mga imahe at videos na iniingat ingatan mong koleksyon.
  • Sirain mo lahat ng pagaari mong porn magazines, mga DVD at CD at lahat ng video tape.
  • Mag install ka ng application na anti-porn sa iyong computer at telepono. Maaari kang mag research sa google kung ano at paano.

Maglista ng tunay na mahalagang bagay para saiyo. Malaki ang maitutulong nito saiyo. Ano nga ba ang mas mahalagang bagay para saiyo? Mga bagay na mas mahalagang pagtuonan ng panahon. Ilista ang lahat ng ito at gawin itong checklist ng iyong buhay. Isa itong sagot sa tanong na paano itigil ang panonood ng porn?

Isipin mo ang masasamang epekto ng porn sa buhay mo. Tanungin moa ng sarili mo, bakit mo kailangan tanggalin ang porn sa buhay mo? Ano ang mga pangunahing rason? Upang itigil ang isang masamang bisyo, dapat na kamuhian mo muna ito. Kaya mahalagang ilista mo lahat ng negatibong epekto ng porn sa buhay mo simula ng malulong ka rito.

Isipin ang mga pangyayaring naguudyok saiyo na manood ng porn. Isa pang magandang paraan kung paano itigil ang panonood ng porn, ang pagtalikod sa mga kaugalian na naguudyok saiyo na manood nito. Halimbawa, kapag nagiisa ka at nalulungkot. Imbes na humarap sa internet, maghanap ng ibang mapaglilibangan.

Gumawa ng listahan ng mga maaari mong mapaglibangan. Mga hilig mong sports at iba. Mahalagang hakbang rin ito sa pagtalikod mo sa masamang bisyo. Maglaan ka ng panahon sa mas makabuluhang bagay upang unti-unti kang makalimot sa pornograpiya. Ano ba ang mga halimbawa nito:

  • Pag-eehersisyo
  • Pagaaral ng bagong recipe sa pagluto
  • Makipaglaro sa alagang hayop
  • Magaral ng bagong sports
  • Mag hanap ng bagong mga kaibigan
  • Magplano ng isang romatikong date kasama ang iyong partner
  • Magaral magtugtog ng isang bagong instrumento
  • Magbasa ng paboritong libro at marami pang iba

Tanggapin ang katotohanan na mali ang porn at kailangan itong tanggalin. Napakahalaga rin ng isa pang hakbang na ito. Hindi mo maiiwasan ang isang bagay kung hindi mo tuluyang inihihiwalay ang iyong sarili tungkol sa bagay na ito. Kailangan mo talagang i-convince ang iyong sarili na kailangan na itong matigil.

Humingang malalim sa tuwing natutukso. Kaakibat ng pagtanggap, mahalagang ihanda mo rin ang iyong sarili sa mga tukso. Maraming tukso sa paligid na wala sa internet. Mga tuksong maaaring makapag-paalala saiyo ng dati mong masamang bisyo. Paano mo ba malalabanan ang tukso ng porn? Ito ang mfa dapat mong gawin:

  • Ipikit ang iyong mga mata at magisip
  • Humingang malalim at pigilin ang paghinga sa loob ng 5 hanggang 10 segundo
  • Dahan dahang ibuga ang hangin. Gawin ang breathing exercise na ito 10 beses

Patawarin mo ang iyong sarili. Upang tuluyan mong makalimutan ang isang masamang bagay. Kailangan mo munang magpatawad, at ang pangunahing biktima rito ay ang sarili mo. Kasabay ng pagpatawad sa sarili ay ang pangako na hindi mo na ito muling gagawin o babalikan. Sa paraang ito ay magkakaroon ng sandata sa loob ng iyong konsyensya. Kapag tuluyan mong napatawad ang iyong sarili, ituring mo na bago ka ulit at ingatan mo na huwag na itong magasgasan ng masamang bisyo katulad ng porn.

Maghanap ng medikal na atensyon. Ang simpleng panonood ng porn ay maaaring mauwi sa isang seryosong problema sa sarili. Bawat tao ay iba iba, may mga malalakas ang personalidad na kayang harapin mag isa ang ganitong uri ng problema. Ngunit paano kung mahina ka? Dapat bang sumuko? Pinaka-magandang gawin ay maghanap ng medical attention. Maraming mga pribado at publikong organisasyon ang tumutulong sa mga pinoy na nakakaranas ng adiksyon katulad ng pornograpiya.

Sa pamamagitan nito, mayroong mga propesyonal na maaaring makatulong saiyo ng mabilis para makabangon sa adiksyon. Hindi mo kailangang sarilihin ang problema mo kung hindi mo kaya. Kaya gawin moa ng panghuling hakbang na ito.

Paano itigil ang panonood ng porn? Kailangan ang disiplina!

Lahat ng tinalakay na mga hakbang patungkol sa pagtigil sa porn ay hindi mo magagawa kung wala kang dispilina. Ito ang pinaka-mahalaga sa lahat. Anumang goal sa buhay ay mkakamit kung mayroon kang disiplina sa sarili. Ito ang pinakamabisang sandata para magtagumpay anumang tukso ang dumating.

Hindi madali ang pagtanggal sa bisyong kagaya nito. At maraming pinoy ang biktima ng pornograpiya. Gayunpaman, katulad ng 9 na hakbang na tinalakay natin, maaaring masugpo ang problema mo. Sa pagsagawa nito kasabay ng disiplina sa sarili, matatagumpayan mo ito sa huli. Hindi mo kailangan maging perpekto, kailangan mo lang gawin ang tama. Laging tandaan na katulad ng iba ay hindi ito madali. Isa itong journey!


  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •